Aurythmz
Si Scarlett Rowe - isang magandang babaeng may dugong British-Filipina. Sanay siya sa marangya at masayang buhay, hanggang sa bumagsak ang negosyo at kapangyarihan ng pamilya niya.
Dahil sa utang at kasalanan ng ama niya, ibinigay siya parang isang bagay...
Kay Kael Draven.
Ang pinakakinatatakutan at pinakamalupit na Mafia Lord at Billionaire sa buong bansa. Isang lalaking may dugong Amerikano-Ruso, may pusong bato, at kilala sa pagiging walang awa. Siya ang sumira sa mundo ni Scarlett, at ngayon... pag-aari na siya nito.
Para kay Scarlett, demonyo siya. Galit na galit siya sa kanya.
"Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maging sa'yo, Kael Draven."
Para kay Kael, siya ang premyo at obsession. Ang babaeng matagal na niyang gustong angkinin. Hahampasin, susuwayin, at paaamuhin niya ito hanggang sa matanto nito na siya lang ang mundo niya.
"You are mine, Scarlett. Body, heart, and soul. Walang kawala."
Nakulong sila sa isang gintong hawla. Araw-araw silang nagbabangayan. Salita laban sa salita. Galit laban sa poot. Pero sa bawat hawak na masakit, may halong pagnanasa. Sa bawat sigawan, may kakaibang init na namumuo sa pagitan nila.
Sa mundong puno ng dahas, kasinungalingan, at pagtataksil... kaya bang paghilumin ng pagmamahal ang mga sugat nila? O mananatili silang habambuhay na Bound by Pain?