serenjarosen
Luciana -- ang dalagang nagmula sa marangyang pamilya ng Salazar. Apat lamang ang mahalaga sa kaniyang buhay: ang kaniyang pamilya, si Carina na tanging kaibigan, ang mga pahina ng kaniyang mga libro, at ang pangarap na makapagtanghal sa teatro.
Ngunit paano niya matutupad ang lahat ng ito kung siya'y nakatakdang ikasal?
Sa panahong ginuguhitan ng lihim, paniniil, at mga paglalaban sa pagitan ng tungkulin at damdamin, kailangang pumili ni Luciana--hindi lamang para sa sarili, kundi para sa katotohanang unti-unting lumilitaw sa gitna ng katahimikan.