mmylhoren
Isang malalim na buntong-hininga para sa mga iniwang mag-isa. Akala mo ay siya na, pinapaasa ka lang pala. Naging dahilan ng iyong mga ngiti, ngunit ito pala ay mali. Akala mo'y seryoso na, akala mo lang pala talaga. Pinatikim ng kaunting tamis na akala mo'y papawi na sa pait ngunit sa isang saglit, ang tamis ay napalitan ng sakit. Maling akala na ikaw na ang magbibigay ng pang-matagalang saya ngunit kagaya ka rin pala ng iba, panandalian lang at wala ring kwenta.