bingtadeo
SYNOPSIS
Breadwinner. Firstborn. sa murang edad, kailangan niya nang magbalat ng buto. para matulungan ang inang may sakit, mga kapatid na nag-aaral, at matustusan ang sariling pangangailangan sa pag-aaral.
Ang Amang dapat haligi ng tahanan, ulo ng pamilya, leader ng pamilya, tagaprotekta, at provider, ay matagal ng bali, putol, sira, basag, at wasak, dahil sa sugal at masamang bisyo.
Ang mabigat at malaking obligasyong nakaatang sa balikat niya, ay walang sawa niyang binubuhat, kahit na siya ay pagod na pagod na.
Ang pag-ibig ay hindi mailap. ngunit, pinipili niyang tumakbo palayo, dahil para sa kanya, hindi siya ligtas roon. paano niya mararamdaman ang kaligtasan sa mundo ng pag-ibig, kung namulat siya sa sitwasyong madilim, maingay, magulo at mapanakit?
Ngunit, may isang lalaking hindi siya susukuan, kahit paulit-ulit niya itong itaboy at layuan. at ito ang panganay na anak ng may pinakamasaganang buhay, sa malaking bayan ng San Figueroa.