milyxie_
Paano kung ang lugar na tinatawag mong tahanan ay siya rin palang matagal mo nang gustong takasan?
Magagawa mo pa rin bang manatili?
Sa malayong isla ng Cagayancillo, kung saan ang mundo'y umiikot sa ritmo ng alon, namumuhay si Junie sa pagitan ng responsibilidad at lihim na pagnanasa para sa pagbabago.
Samantala, sa magulo at mabilis na buhay sa isang syudad, lumulubog si Sol sa bigat ng mga inaasahan sa kanya. Sa mata ng karamihan, isa lamang kalokohan ang kanyang nais mapatunayan, pero para sa kanya, ito ang kalayaan, at hindi ito natapos nang ganon na lamang.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa ilalim ng tirik na sinag ng araw ay unti-unti silang pinagtagpo. Ngunit ang pag-ibig, gaya ng araw, laging lumulubog, parehong nasa pagitan ng paglubog ang mga lihim, takot, at pangarap na maaaring hindi tugma. Dalawang puso na marahil ay tinatawag sa magkaibang direksyon, o maaaring sa parehong landas.
Sa gitna ng magkaibang mundo at mga desisyong kailangang gawin, may puwang pa ba para sa pag-ibig? O huhugutin sila ng dilim bago matapos ang tag-init?
Four Seasons Series #1 | Beneath the Summer Sun
By: milyxie