anGgg25
Si Cassius ay isang taong may ambivert na personality. Sa labas, mistulang wala siyang pake sa pag-ibig, pero sa kanyang puso, may bahagi na nagtangi para dito. Isang araw, may isang lalaking misteryoso, isang higher grade, na nagparamdam ng interes sa kanya sa pamamagitan ng isang simpleng usapan.
Nagdududa si Cassius kung ito ay pag-ibig na sumisilip na sa kanyang puso o simpleng kagustuhan na maranasan kung paano nga ba ang unang pag-ibig. Ano nga ba ito? Isang bagong karanasan lang ba, o tunay ngang pag-ibig na sumasalubong sa kanya? Sa mundong puno ng mga tanong at katanungan, haharapin ni Cassius ang sarili at ang kakaibang damdamin na dala ng unang kilig.