BreadCrummbs
Prawn San Miguel grade 11 student, Isa siya sa kinatatakutan na estudyante sa Dela Buega Highschool. Halos lahat sa mag aaral ay ayaw sa kanya. Sinasabing ang binata ang may pakana ng lahat na nangyayaring kaguluhan sa paaralan.
Dahil na din sa itsura nito na laging may sugat at pasa. Idadag pa ang mapamatay niyang titig. May tangkad siyang na 5'9, hindi palakibo at pagngumiti ito ay masasabi mong may sayad siya sa utak. Di sa kanya bagay ngumiti, kaya isa lang ang kaibigan niya.
Ngunit sa kabila ng kanyang panlabas na anyo, siya ay masunurin, masipag at may magandang kalooban. Ang matalik niyang kaibigan lang nakakalaalam ng tunay na ugali ni Prawn.
Crown Steven Dela Fuente grade 11 student. Ang hari ng Dela Buega highschool siya ay crush ng bayan, pogi, matalino at may pera.
Di tulad ni prawn siya ay sinasamba ng mga kababaihan.
Sa kabila ng binigay ng panginoon sa kanya ay may bahong tinatago si Crown. Siya ang may pasimuno ng mga kaguluhan sa paaralan na ang nabibintangan ay Ang kawawang Prawn.
Ang binata ay pamanlinlang at manggagamit at mayabang.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may tangkang sumaksak kay Crown dahil na din sa magaspang niyang ugali. Mabuti na lang ay tinulungan siya ni Prawn.
Dahil sa pangyayaring yun ay naging malapit ang loob niya sa binata, nararamdaman niyang may kakaiba siyang nararamdaman at hindi sapat ang pakikipagkaibigan lang.
Maihahayag kaya ni Crown ang lihim na pagtingin kay Prawn? O itatago nalang niya ito dahil ayaw niyang masira ang pangalan sa pagiging campus King?