Arcane_Lass
Ano ang iyong gagawin kung isang araw mapagtanto mong ika'y kakaiba? - kakayahang makakita ng mga bagay na tanging ikaw lamang ang nakakakita?
Isang dalaga na di pangkaraniwan ang paningin, isang matang biniyayaan ng angking kakayahan na makita ang mga bagay na hindi nakikita ng mundong ito. Ipinanganak na may abilidad na makita ang kabilang mundo ngunit puno ng pagdududa at takot ang bumabalot sa kanyang puso.
Tanging ang kanyang ama lamang ang sandalan, sandigan at gabay. Sa pag-usal ng hangin na tila may dalang hiwaga, bumalot ang isang presensyang di maipaliwanag at sa isang iglap, ang kanyang mundo ay tuluyang huminto dahil naglaho ang kanyang ama na parang usok na tinangay ng dilim, walang iniwang bakas kundi ang puwang sa kanyang puso.
Sa paghahanap ng katotohanan sa pagkawala ng kanyang ama at paglitaw ng tunay na likas ng kanyang abilidad, Ano ang naghihintay sa kanyang katotohanan?
At sa pagpasok ng mga taong huhubog sa kanya, sa bawat hakbang na walang kasiguraduhan unti - unting makikita ang kasagutan. Paano haharapin ang mundong di sigurado kung totoo? At ang koneksiyong binubuo, magdadala ba ng kapanatagan o magbubukas sa panibagong nakatagong katotohanan at panganib