aikangManunulat
'Hindi lahat ng nakayuko ay mahina. At hindi lahat ng malakas ang loob, tunay ang tapang.'
Love isn't always gentle.
Minsan, nagsisimula ito sa mga pang-aalipustang salita, masasakit na biro, at mga matang mapanghusga.
Pero kung galit ka sa isang tao, bakit siya ang palagi mong pinapansin?
At kung wala siyang halaga sa'yo, bakit siya ang taong hindi mo kayang tiisin?
Hindi maintindihan ni Dustin Palma kung bakit ganoon na lang ang inis niya kay Belleza Sofia Romwell ang bagong transferee na nerd, tahimik, kakaiba sa paningin ng lahat, at tila walang pakialam kung ano ang uso.
Sanay si Dustin na tinitingala.
Sanay siyang sinusunod.
Sanay siyang siya ang sentro ng atensyon.
Pero si Belleza?
Hindi siya iniidolo.
Binabangga siya.
At higit sa lahat, hindi ito natatakot sa kanya.
Sa bawat pagtatalo, asaran, at pagkakataong nagkakabanggaan ang kanilang mga mundo, lalo lamang lumalalim ang pagkainis ni Dustin.
O baka... hindi na pala iyon simpleng inis?
"I hate her. Kahit kailan, hindi ako magkakagusto sa isang tulad niya. Itaga n'yo 'yan sa kadulu-duluhan ng dila ko. At kapag nangyari 'yon..." Huminto siya at ngumisi. "Ako na mismo ang puputol nito."
Pero paano kung dumating ang araw na ang babaeng pinakakinamumuhian niya ang siya ring babaeng hindi na niya kayang mawala?
At paano kung ang tinatawag nilang nerd ay may isang lihim na hindi kailanman nakita ng kahit sino?
This is not just a story about a nerd and a popular boy. This is the story of discovering the beauty hidden behind the person everyone chose to underestimate.
Started to publish.
October 31 2024. To date.