cajjuarez
Isa lamang simpleng babae si Celene. Lagi siyang nakatingin sa malayo, pinagmamasdan ang pinakamagandang tanawin sa lahat. Si Alexis ang pangarap niyang di niya maabot. Ang tanawin na hanggang tingin niya lang. Mapapansin pa kaya siya ni Alexis, sa pagkakataon na kaya niya nang abutin ang pangarap niya, at lapitan ang tanawin na tinatanaw niya lang sa malayo? Kahit pa nga ang tadhana ay sadyang mapaglaro sa kanilang dalawa.