Kikyotaka
Cloud Partes Dela Cruz, isang 1st-year high school student, ay palaging nababalot ng monotonyang buhay-paulit-ulit na klase, walang excitement, at isang pang-araw-araw na realidad na hindi niya talaga kinagigiliwan. Ngunit isang araw, habang nasa library siya, isang hindi inaasahang eksena ang pumukaw sa kanyang interes: dalawang lalaki, seryosong naglalaro ng chess, tila nakalubog sa isang laban na puno ng matinding tensyon at talino.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hinila ng chess ang kanyang atensyon. Isang laro na dati niyang binabalewala, ngayon ay tila isang misteryo na naghihintay na kanyang tuklasin. Nang makilala niya ang dalawang lalaking ito-isang tahimik ngunit matalinong strategist at isang pabirong henyo-unti-unting nagbago ang pananaw ni Cloud sa buhay. Ang dating boring niyang mundo ay napuno ng hamon, rivalry, at isang hindi inaasahang pakikibaka hindi lang sa board kundi pati na rin sa reyalidad.
Habang mas nalulubog siya sa chess, unti-unti niyang nadidiskubre hindi lang ang laro, kundi pati ang masalimuot na larangan ng diskarte, desisyon, at pagsasakripisyo.