solyszani
Marami akong tanong na hindi masagot ninuman, kagaya ng kung ano ba ang silbi kong mabuhay.
Nasira ang pamilya ko. Hindi ko na nakasama nang matagal ang Tatay ko dahil namatay siya noong tatlong taong gulang pa lamang ako.
Namatay siya dahil sa pananaksak ng taong gumahasa sa akin. Simula noon, nagbago na ang buhay ko. Matagal na nakakubli ang pangyayaring iyon, walang sinumang iba pang nakaalam kundi kaming dalawa ni Nanay.
Lumaki akong mag-isa, walang nagtatanggol sa akin, dahil mismong Nanay ko ay naniniwalang kasalanan ko ang lahat at kasalanan kong nawala si Tatay.
Hindi nakulong o nanagot manlang ang taong nagsamantala sa akin. Bagkus, siya pa ang naging bagong asawa ni Nanay.
Ang taong sumira sa akin, ang pinili ni Nanay na bumuo sa nasira naming pamilya.
Walang gabing nakakatulog ako nang maayos, dahil alam kong may halimaw sa sarili kong bahay.
Simula noon, hindi na ako naniwalang may kabutihan pa sa buhay. But that was until I was 16, I met Val.
Pangalawa kay Tatay, siya lamang ang taong kumampi at nagmahal sa akin sa hinaba-habang panahon.
Nang dahil sa kanya ay nakilala ko ang mga kapamilya ni Tatay na ipinagkait ni Nanay na makilala ko. Nakahanap ako ng mga taong totoong may pag-aaruga at pagmamahal sa akin. With Val and Bryce by my side, I slowly found myself, and I found God.
I felt like even when I was at the farside of the chasm, God still had His ways to reach me.
Ngunit kahit na anong mangyari, ay uuwi at uuwi pa rin ako sa bahay naming pinipilit kong sikmurahin ang lagay. Tutol ang Nanay ko sa bagong pananampalataya ko.
Sa isang iglap, nabasag ulit ang mga piraso ng sarili kong pinilit kong mabuo muli. Nawala si Val sa akin. Nawala si Bryce sa akin. Nawala ulit ako.
At sa dami ng tanong kong hindi pa nasasagot, may dumagdag na namang isa.
Bakit ba lahat ng nagtatanggol sakin ay nawawala?