jbeebear
Note: If you're not into flawed characters, don't read this. Don't stress yourself.
Hindi lang basta ngiti ang binigay ni Darianne kay Phil-ito'y isang pagbitaw. She was bubbly, friendly, cheeky-madaling mahalin, pero mas madaling ikalimutang hindi mo dapat mahalin. Kasi sa unang ngiti pa lang niya, alam ni Phil: hindi ito pangkaibigan lang.
His heart skipped... then sank. That moment, he fell-deep and hard.
Pero mas naging magulo ang lahat nang malaman niyang kaibigan pala ni Darianne ang ex niya noon. Doon siya natigilan. Pipigilan ba niya ang nararamdaman niya? O hahayaan niyang mahulog lalo?
He chose to fall anyway.
Just when he thought na unti-unti na silang nagkakalapit, bigla siyang iniwasan ni Darianne. Walang explanation. Walang dahilan. Kaya nang lumabas si Darianne, hinatak niya ito sa gilid-sa ilalim ng punong malayo sa iba.
"May nagawa ba akong mali?" tanong niya. Pero bago pa niya matapos, pinutol na ni Darianne ang tanong niya.
"Phil... let's distance ourselves. Alam kong may nararamdaman ka na... pero please, itigil mo na. I only see you as a friend. Kaya let's be friends... or strangers. I'm sorry."
At bago pa bumigay ang boses niya at tumulo ang luha, tumalikod na si Darianne at iniwan si Phil sa ilalim ng puno-basag at naguguluhan.
At sa di kalayuan, may isang matang nanonood, isang pusong seloso, na narinig ang lahat. Mahinang bulong ang pumunit sa katahimikan ng hangin:
"Kung 'di kita makuha, mas lalong hindi rin siya."