author_apocryph
Isang tahimik na simula. Isang simpleng "hi."
Lumipat si Mina Grensted sa Brighton University para sa panibagong panimula. Wala siyang ibang hinahanap kundi tahimik na college life, bagong mga kaibigan, at pagkakataong ipagpatuloy ang hilig niya sa sining at musika, bilang Fine Arts student. Sa bawat sketch at tugtugin, doon niya isinasalin ang mga salitang hindi niya masabi nang direkta.
Samantala, si Luhan Crawford ay isang architecture student, basketball player, at miyembro rin ng Music Club. Sa pagitan ng mga drawing plans, ensayo sa court, at musika sa pagitan ng mga pahinga, unti-unti niyang binubuo ang sariling kasiyahan sa loob ng unibersidad.
Dalawang taong walang planong umibig.
Dalawang landas na unti-unting magtatagpo.
At minsan...
Ang pinakamagagandang kuwento ay nagsisimula nang tahimik.