queen_yeliah
Betrayal, Manipulation, and Emotional Abuse.
Ang lahat ng 'yan ay naranasan ng dalagang si Maxcien Rielle Rodriguez mula sa dalawang taong pinaka pinagkakatiwalaan niya-ang bestfriend niyang gusto ng lahat at ang boyfriend niyang kung sabihin ng iba ay hindi niya deserve.
Dahil sa paulit ulit na pananakit, panloloko, at pag manipulate sa kaniya, unti unting nasira ang dating masayahin at mapagtiwalang si Maxcien. Kaya naman nang matapos ang lahat, isinara niya ang puso niya sa posibilidad ng panibagong relasyon.
Sa kabilang banda naman, si Mavrix Akira Del Vega ay isang mayamang tagapagmana na sakitin. Kaunting ambon lang ay inuubo na siya o kaya naman ay nilalagnat. Dahil doon, halos buong buhay niya ay umiikot lamang sa loob ng kanilang mansion.
Akala niya ay hindi na siya makakahanap ng tunay na pag ibig.
Hanggang sa muling nagkrus ang landas nila ng babaeng matagal na niyang hinahanap.
Ang babaeng minsang nag gamot ng sugat niya nang madapa siya noong bata pa sila. Ang babaeng hindi niya kailanman nakalimutan. Ang babaeng unang nakapagpa tibok ng puso niya.
At ang babaeng iyon ay walang iba kung hindi si Maxcien.
Ngunit paano kung hindi na handang pumasok ulit sa relasyon si Maxcien dahil sa mga nangyari sa kaniya?
May pag asa kaya si Mavrix na mapaibig ang dalaga? O mananatili na lang siyang isang alaala mula sa nakaraan?