thoughtsinthemargins
Si Maris Liora Veyra ay sanay sa katahimikan. Tahimik siyang magaling, tahimik siyang nananalo, tahimik niyang tinutupad ang lahat ng inaasahan sa kanya. Sa mundong ginagalawan niya, sapat na ang pagiging perpekto-wala nang kailangang baguhin.
Hanggang sa may isang presensyang dumating na hindi maingay, hindi rin mapilit, ngunit sapat para guluhin ang mga bagay na matagal na niyang inayos.
Biglang may mga titig na hindi niya kayang iwasan. Mga sandaling mas pinili niyang ipagkait sa sarili, kahit alam niyang may ibig sabihin.
Unti-unti, napagtanto ni Maris na kahit ang pinakamataas na bituin ay pwedeng mawalan ng direksyon kapag may taong nagpaalala kung ano ang pakiramdam na makita.
Pero paano kung ang pag-amin ay mas delikado kaysa pananahimik?
At paano kung ang pagbabago ng landas ay nangangahulugang may kailangang iwan?
Minsan, ang pinakamasakit na kwento ay hindi yung puno ng sigawan-
kundi yung hindi kailanman binigkas.
And sometimes, changing your stars doesn't mean you found the light...
it only means you learned how to lose it quietly.