LethologicaIoT
Hell's Healer ay isang psychological thriller tungkol kay Jonathan, isang empleyado sa healthcare company na tila baga walang malasakit sa paligid dahil sa kanyang acedia-isang anyo ng espirituwal at emosyonal na katamaran.
Habang dumarami ang mga eskandalo at krimen sa loob ng kumpanya, unti-unting lumilitaw ang mga tauhang kumakatawan sa pitong nakamamatay na kasalanan-Pride, Greed, Lust, Envy, Wrath, Gluttony, at Sloth. Palaging nandoon si Jonathan, hindi gumagalaw, hindi sumasali, ngunit laging nadadamay. Dahil dito, napaparatangan siyang tila siya mismo ang "healer" na nakakapagpabagsak sa mga makasalanan-o siya ba'y nagiging bagong sisidlan ng lahat ng kasalanan?
Sa dulo, haharapin niya ang pinakamalaking tanong: Siya ba ay isang Hell's Healer na nilalantad ang kabulukan, o isa nang halimaw na nagpapakain sa kasamaan ng iba?
Disclaimer
Ang kuwentong ito ay isang likhang-isip.Lahat ng pangalan ng tao, grupo, lugar, brand, at pangyayari ay kathang-isip lamang at anumang pagkakahawig sa totoong tao, grupo, kumpanya, o kaganapan ay hindi sinasadya at pawang nagkataon lamang. Ginagamit ang mga pangalan at sitwasyon para sa layuning aliwin at maghatid ng kwento, hindi para siraan o magbigay ng maling impormasyon tungkol sa sinuman o anumang umiiral sa totoong buhay.