Ladynotready_nobelas
Ang istoryang ito ay tungkol sa dalawang tao na natagpuan ang isa't-isa isa sa baryong malapit sa dagat. Pareho silang nahihirapan na hanapin ang sagot sa kung ano ba talaga ang pag-ibig?
Ngunit paano kaya na kung kailan nila nahanap ang sagot sa kanilang katanungan, ay saka nila ilayo ang mga sarili nila sa isa't-isa?
Paano kung ilayo nila ang mga sarili sa isa't-isa dahil iba ang nakatakda para sa kanila. Matatagpuan ba talaga nila ang tanong na ano ang pag-ibig sa sinabi nilang nakatakda para sa kanila? O nagsisinungaling lang talaga ang mga puso nilang dalawa.
Sa oras na mapagtanto nila na matagal na pala nilang natagpuan ang pag-ibig, isa lang ang pareho nilang pupuntahan. Ang baybayin. Pero paano naman kung ikaw lang pala ang nasa baybayin? Susuko ka ba o hihintayin mo siya sa baybayin para muli kayong magkatagpong dalawa.