PranSiscoBalagtas
Isang mabigat na padyak para sa bigat na dinadala ni Juehei. Ang bisikletang iniwan ng kanyang ama ay naging tanging kasama niya mula noong mawala ito sa kanya.
Tuwing nakikita niya ang kanyang ina na naglalasing at nagsusugal, tila pilit nitong tinatakasan ang lungkot ng pagkawala ng kanyang ama. Wala namang magawa si Juehei kundi ang manood at tiisin ang lahat. Kaya naman, ang bisikletang ito na lang ang lagi niyang kasama at nagsilbing takbuhan.
Ngunit hanggang saan kaya ang mararating niya kung palagi lang siyang tatakbo gamit ito? Malalampasan ba niya ang lahat, o patuloy lang siyang tatakbo palayo sa katotohanan?
Everyone thought of Juehei as an emotionless rock, but in reality, he was just paper drawn to look like stone. He was afraid he would tear apart if he ever stopped moving.