Maymay_written
Isang simpleng araw, isang maling hakbang, at muntik nang masagasaan si Selene ng isang estrangherong mayabang, suplado, at paborito ng lahat-si Adrian Velasquez, ang sikat na captain ng basketball team ng kanilang unibersidad.
Sa simula, puro inis at irita lang ang nararamdaman ni Selene sa binata. Hindi siya sanay sa ugali nitong palaging masungit at tila walang pakialam. Pero habang tumatagal, unti-unting nahuhulog siya sa mga bagay na hindi nakikita ng iba-ang pagiging maalaga, tapat, at protektado ni Adrian.
Ngunit hindi magiging madali ang lahat. Sa pagitan ng mga exams, basketball games, tampuhan, at selosan, susubukan ng tadhana kung hanggang saan sila tatagal. May mga taong susubok sirain sila-lalo na si Cassandra na handang gawin ang lahat para maagaw si Adrian.
Sa gitna ng lahat ng pagsubok at paninira, makakaya kaya nilang manatiling matatag? O tuluyan silang bibitawan ng isa't isa?