MysteriousGirl1008
Hindi lahat ng digmaan ay nagsisimula sa putok ng baril.
Ang iba, nagsisimula sa pag-agaw ng pangalan, wika, at lupa.
Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano at Hapones, natutong mabuhay ang mga Pilipino sa ilalim ng mga bandilang hindi kailanman naging kanila. Mga bandilang may pangakong kaayusan, ngunit may kapalit na katahimikan, takot, at dugo.
Ito ang kwento ng mga pamilyang pinaghiwalay ng digmaan, ng mga kabataang ninakawan ng kabataan, at ng mga tinig na pinilit patahimikin. Sa gitna ng karahasan at kawalan ng katarungan, may mga pusong tumangging sumuko mga pusong natutong magmahal, lumaban, at maniwala kahit tila imposible ang kalayaan.
Hindi ito kwento ng bayani sa monumento.
Ito ay kwento ng karaniwang Pilipino
na sa kabila ng sugat at pagkawala, ay nanatiling nakatayo.
At sa huli, sa ilalim ng araw na muling sumikat,
natutunan ng bayan na ang kalayaan ay maaaring ipagkait
pero hindi kailanman mapapatay.