MotherEARTHGeiah
Ikaw ang unang tamis at pait na natikman,
Ikaw ang unang liwanag sa gabi na nakita,
Ikaw ang unang hapdi at sarap na naranasan,
Ikaw, Ikaw nga ba ang magiging huli sa lahat ng aking bigong buhay sa mundong nabuhayan?
Pangakong iyong iniwan, nasaan na?
Pangakong hinihintay, darating pa ba?
Pangakong binilin, nariyan pa?
Pangakong kailan nga ba matutupad,
mangyayari pa kaya?