AnghelDelagwardya06
Sabi nila, ang puso ni Lance Villarosa ay gawa sa yelo at bakal.
Sa edad na pito, imbes na laruan ang hawak niya, ang huling alaala niya ay ang dumanak na dugo ng mga magulang niya sa harap mismo ng kanyang mga mata. Doon siya kinuha ng Septum Malum. Hindi nila siya inalagaan; ginawa nila siyang halimaw. Sa loob ng organisasyong 'to, bawal ang umiyak, bawal ang maawa, at bawal ang maging tao.
Labinlimang taon siyang naging "perfect weapon." Isang assassin na walang mukha at walang emosyon. Para sa kanya, ang bawat target ay trabaho lang-walang personalan, hanggang sa naging kasing-dilim na ng gabi ang kaluluwa niya.
Pero lahat ng pader, nagkakalamat din.
Sa gitna ng isang misyon na dapat ay madali lang, nakilala niya si Cielo. Isang babaeng parang anghel ang ngiti at sobrang inosente ng pananaw sa mundo. Siya lang ang tanging tao na hindi tumingin kay Lance bilang isang mamamatay-tao, kundi bilang isang lalaking lunod sa sarili niyang nakaraan. Sa bawat ngiti at kulit ni Cielo, unti-unting natutunaw ang yelong bumabalot sa puso ni Lance.
Pero sa mundo ng Septum Malum, ang pagkakaroon ng malasakit ay katumbas ng kamatayan.
Ngayong natututo na siyang muling makaramdam, kailangang pumili ni Lance: Itutuloy ba niya ang "Silent Contract" na magpapatahimik sa lahat, o tataya siya sa isang babaeng nagpakita sa kanya na pwedeng maging makulay ang buhay sa kabila ng madugong kahapon?
"In a world where love is a death sentence, how long can you keep your heart silent?"