DendenIsLove
Pagdating sa pag-ibig, may sinuswerte, may minamalas. May pinagpapala, may pinagkakaitan. Lahat ng tao, naghahanap ng masasandalan.. ng makakaramay sa lahat ng problema. ng isang taong kaya siyang pangitiin, pasayahin.. kahit panandalian lang...
Si Melody Valdez.. isang babaeng- noong nagpaulan ng problema ang langit- lahaaaaat.. inako niya. isang babaeng- noong nagpaulan ng kamalasan sa pag-ibig ang langit- lahaaaat.. sinalo niya. Ngunit isang babaeng- noong nagpaulan ng galing sa larangan ng musika ang langit- lahaaaat.. sinalubong niya.
Kapag broken hearted siya, musika ang karamay niya. Kapag malungkot siya, musika ang sandalan niya. Pakiramdam niya nga ay ang musika na lang ang swerte niya.. Wala siyang ibang swerte sa kanyang buhay, bukod don..
At ang pakiramdam niyang iyon ay makatotohanan... ngunit may hangganan din pala.
LOVE PLAYLIST
© 2017. by divine manglibo.
Start: May 11, 2017