nyxviela
Si Vice, isang baklang secret agent na ginagawang biro ang lahat ng masasakit na napagdaanan niya, ay hindi na nagtitiwala sa kahit sino, lalo na sa pag-ibig.
At si Ion, isang lalaking secret agent na hindi confrontational at hindi talaga nagtitiwala sa lahat, lalo na sa relasyong binubuo ng kapuwa parehong kasarian.
Pupuwersahing magsama sa iisang misyon kahit na alam ng buong departamento na hindi nila gusto ang isa't isang makatrabaho.
Ang misyong iyon ba ang susubok sa husay, talino, talas, tatas, lakas, at determinasyon nilang dalawa bilang mga secret agent na butihin. O ang pag-ibig ba ang pinaka-delikadong misyon na kanilang haharapin. Dahil sa pagkakataong ito, walang exit strategy.
Walang takas sa butas laban sa kahit na anong batas, pero kapag puso na ang nagdikta, may kawala ba sila kahit na ayaw nila sa isa't isa?