ItsMaryCy
Sa isang lungsod na bulok sa loob,kung saan ang kapangyarihan ay binibili at ang hustisya ay tinatabunan ng pera,nabubuhay si Raven Morales sa anino. Hindi siya bayani. Isa siyang babala. Tahimik, delikado, at walang takot pumatay ng kasinungalingan.
Lumaki siyang natutong lumaban, hindi umasa. Hindi magmahal. Hindi magtiwala. Dahil sa mundo niya, ang pagmamahal ay kahinaan,at ang kahinaan ay ikamamatay.
Hanggang sa makilala niya Ethan Cole.
Isang detective na naniniwala pa rin sa batas, kahit paulit-ulit na itong binigo. Kalaban dapat sila,magkaiba ng prinsipyo, magkaiba ng mundo. Pero sa bawat banggaan ng landas nila, may init na hindi nila maitanggi. Galit na may halong pagnanasa. Tension na parang baril na handang pumutok.
Hindi niya kayang kontrolin si Raven. At ayaw naman ni Raven na kontrolin siya.
Habang unti-unting nabubunyag ang sindikatong kumokontrol sa lungsod, si Raven ay nagiging target,hindi lang bilang kalaban, kundi bilang isang babaeng kayang sirain ang isang imperyo. At si Ethan? Nahahati siya sa pagitan ng batas na sinumpaan niya at ng babaeng unti-unting inaangkin ang puso niya.
Sa bawat gabi ng panganib, bawat titig na may tinatagong damdamin, bawat haplos na hindi dapat mangyari,natutunan nilang ang pag-ibig ay hindi laging ligtas.
Minsan, ito ang pinaka-mapanganib na desisyon.
Isang kwento ng matapang na babae, bawal na pagnanasa, at pag-ibig na isinilang sa dilim,kung saan ang pagmamahal ay hindi nagpapahina, kundi lalo pang nagpapalakas... o tuluyang sumisira.