Nicolangot_gonygon
"sabay kaming lumaki, nakatira kami sa iisang bubong ni Nico kaya ganito kami ka close."
Lumaki ako kasama ang anak at asawa ng nanny ko. Mayroong kakaibang paniniwala ang pamilya namin tungkol sa pagkakaroon ng kambal na babaeng anak kaya naman kakapanganak ko palang ay tinago na ako ng pamilya ko sa tahanan ng nanny ko. Pero hindi iyon naging rason para mabuhay akong puno ng lungkot at galit.
Masaya ako kasama ang pamilya ni tita na nanny ko at mga kaibigan ko. Lumaki akong puno ng pagmamahal na nanggaling sakanila. Lalo na sakanya.
Sabay kaming lumaki ni Nico, minsan nag aaway kami sa maliit na bagay. Magkaiba ang paniniwala at ugali namin kaya minsan hindi kami nagkakasundo pero pinoprotektahan namin ang isa't isa base sa ugali namin.
Pero may isang bagay na pinoproblema ako ngayon. Bakit nga ba ang lakas ng tibok ng puso ko pag kasama o katabi sya? O sa tuwing may ginagawa sya na normal lang naman nyang ginagawa pero nagbibigay ng kiliti sa puso ko. Am I inlove? Pero bakit sakanya pa? Bakit sa kaibigan ko pa? Bakit sa lalaki pa na may mahal nang iba? Bakit sa lalaki pa na mayroon nang girlfriend?
Pero hindi na iyon ang tanong ko ngayon. Ang tanong ko ngayon, kailan kaya sya titingin saakin? Hindi bilang kaibigan, kundi bilang babae.