JoshuaCantonjos1
Sa umaga, gulay vendor.
Sa gabi, estudyante at networker.
Ito ang kwento ng isang simpleng kabataan na lumalaban sa kabila ng pagod, puyat, at paulit-ulit na rejection. Sa bawat sako ng gulay na binubuhat, may bigat ng responsibilidad. Sa bawat seminar at training na dinadaluhan, may bitbit na pangarap para sa pamilya.
Hindi ito kwento ng instant success. Ito ay diary ng hirap, luha, tawa, at tagumpay ng isang ordinaryong tao na naniwala na kahit mahirap ang simula, basta't hindi sumusuko... may magandang dulo.
👉 Kung minsan naramdaman mong gusto mo nang sumuko, basahin mo ito. Baka makita mo ang sarili mo sa bawat pahina.