Yellowmoo
Tahimik. Mahiyain. Inosente.
Iyon ang unang napansin ni Feline Faith Galves.
Isang babaeng lumaki sa pamilyang winasak ng bisyo at kapabayaan. Sa likod ng ngiti niya ay trauma, galit, at mga sugat na hindi madaling maghilom. Habang ang ibang tao ay masayang kumpleto ang pamilya, si Feline ay natutong mabuhay sa sakit at pangakong balang araw ay maniningil siya sa mga taong sumira sa kanila.
Sa tabi niya ay si Selane-ang kaibigang hindi siya iniwan kahit kailan.
Isang umaga sa park ang nagdala kay Feline sa isang circle ng magugulong lalaki-mga babaero, playboy, at puro kayabangan tulad nina Maverick, Mac, Tyler, Nick, at ang iba pa. Mga lalaking sanay sa laro, panandaliang kilig, at walang pakialam sa damdamin ng, iba.
Ngunit sa gitna ng kanilang lahat, may isang lalaking hindi nababagay sa kanila.
Si Felix Caae De Castro-isang lalaking lumaki sa maayos at kumpletong pamilya, walang bisyo, may disiplina, at mayamang hindi kailangang ipagyabang. Tahimik siya, mahiyain, at malayo sa gulong kinagagalawan ng mga kaibigan niya.
Dalawang mundong magkasalungat ang nagtagpo.
Isang babaeng puno ng sugat.
Isang lalaking payapa ang pinanggalingan.
Sa gitna ng ingay, tukso, at maling tao, paano kung ang taong akala mong pinakamahina ang siyang magbibigay ng pinakatahimik na pahinga?