Ralph_stories
Lumaki si Jason na puno ng takot at sakit.
Mula pagkabata, palagi siyang minamaliit at kinamumuhian ng sarili niyang ama dahil lamang sa pagiging bakla niya. Habang tumatanda siya, mas lalo niyang naramdaman na isa siyang pagkakamali sa loob ng sarili niyang tahanan.
Tanging ang kanyang ina lamang ang nagbigay sa kanya ng pagmamahal, pag-aaruga, at pagtanggap.
Pero nang mawala ang kanyang ina...
Kasabay rin noon ang pagkawala ng nag-iisang taong kumampi sa kanya.
Tinakwil siya ng kanyang ama at pinalayas na parang wala siyang halaga.
Mag-isa.
Walang tahanan.
At walang taong matatakbuhan.
Hanggang sa makilala niya si Nathan - isang lalaking unti-unting nagdala ng liwanag sa madilim niyang mundo.
Sa unang pagkakataon, may taong tumingin sa kanya hindi bilang kahihiyan... kundi bilang isang taong karapat-dapat mahalin.
Ngunit habang unti-unting nahuhulog ang loob nila sa isa't isa, haharapin nila ang mga sugat ng nakaraan, galit ng pamilya, at takot sa mundong ayaw tumanggap sa pagmamahal nila.
Sa mundong paulit-ulit siyang itinulak palayo...
May isang taong piniling manatili.
"Hindi niya binago kung sino ako...
Minahal niya lang ako kung ano ako."