SecondDelta
"Paano kung ang buhay ay isang panaginip, at ang kamatayan ang paggising?"
Sa paningin ni Eli, puti't itim ang wangis ng mundo-isang paulit-ulit at mekanikal na siklong kailangang tahakin araw-araw, walang damdamin, walang ganap na ulirat. Hanggang sa isang araw, may dumaloy na kulay na may kakatwang anyo na sumisira sa katahimikan ng kanyang realidad.
Habang pilit niyang inuunawa ang katotohanang nakatago sa likod ng kanyang mga nasasaksihan, kasabay ang lalong paggambala ng mga presensyang ang wangis ay baluktot at salungat sa lohika. Mga anino at repleksyong hindi dapat umiiral, ngunit patuloy na sumusunod.
Sa mundong unti-unting kumukupas at sa kamalayang dahan-dahang nabubura, marahil ay hindi na rin pala isang masamang kapalaran ang kamatayan.