ginoongtamad_
Isang makabuluhang kuwento ng pananampalataya, paglalakbay, at pagbabago.
Si Eli ay isang kabataang moderno; matalino, may akses sa lahat ng bagay, ngunit salat sa pananampalataya. Para sa kanya, ang Diyos ay isang ideyang malabo, at ang panalangin ay walang silbi sa mundong pinapatakbo ng lohika at teknolohiya.
Ngunit isang gabing puno ng pagkalito at tanong, isang hindi maipaliwanag na pangyayari ang nagtulak sa kanya patungo sa nakaraan-sa isang baryong hindi niya alam kung saan, kailan, o paano. Doon, makikilala niya ang mga taong may pusong payak ngunit punô ng pananalig. Mararanasan niya ang mga himala, sakit, at panalangin na magpapakilala sa kanya sa Diyos na akala niya'y hindi totoo.
Sa kanyang paglalakbay, haharapin ni Eli ang mga pagsubok na huhubog hindi lamang sa kanyang damdamin kundi sa kanyang kaluluwa. At sa bawat hakbang patungo sa liwanag, mababago ang kanyang pananaw sa buhay, sa sarili, at sa pananampalataya.