-JenZee-
Si Carl at Tristan ay lumaki nang walang alam tungkol sa kanilang mga ama. Hindi nila alam kung bakit hindi nila ito nakilala, at sa tuwing nagtatanong sila, tila may bumabalot na katahimikan at pag-iwas mula sa mga nakatatanda. Ngunit habang tumatagal, nagsimulang gumulo ang isip ni Carl mga panaginip na puno ng kadiliman, sigaw, at isang hindi maipaliwanag na pakiramdam ng takot.
Hanggang sa isang araw, natuklasan nilang hindi simpleng pagkawala lang ang nangyari pinatay pala ang kanilang mga ama sa isang malagim na insidente na matagal nang binalot ng lihim. Ang dapat sana'y nakalimutang kasaysayan ay unti-unting lumilitaw, at kasabay nito, isang nakakakilabot na katotohanan: ang may kagagawan ng pagpatay sa kanilang mga ama ay hindi ibang tao.