Domarary Stories

Refine by tag:
domarary
domarary

1 Story

  • Down Lover's Lane by domarary
    domarary
    • WpView
      Reads 439
    • WpPart
      Parts 14
    Lason ang pag-ibig para sa taong may pangarap. Lalo na para kay Mara, na wala nang ibang hinangad pa kundi ang masuklian ang lahat ng paghihirap at sakripisyo ng kaniyang pamilya. Bilang unica hija at bunso sa limang magkakapatid, lumaki si Mara na napapalibutan ng kalinga at pagmamahal ng kaniyang mga mahal sa buhay. Lumaki siyang wala nang ibang inaalala kundi ang panatilihing mataas ang kaniyang mga marka sa eskwelahan. Hindi niya na kailangang isipin pa kung may nagsaing na ba, kung may naghugas na ba ng mga pinagkainan sa kusina, kung may nagsilong na ba ng mga damit sa sampayan sa tuwing bubuhos ang malakas na ulan, o kung may nag-ayos na ba ng kanilang pinagtulugan. Lumaki siyang nakatatak sa isipan niya na kailangang magbunga ang lahat ng sakripisyo ng kaniyang pamilya para sa kaniya. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating si Nigel sa buhay niya... nang mahulog siya sa mga bisig nito habang tumatakbo sa Lover's Lane. Buong buhay niya, wala na siyang ibang hinangad kundi ang makatulong sa kaniyang pamilya... hanggang ngayon. "If love is a poison, I'd rather die than spend the rest of my life regretting letting you go." --- Book Cover by EmJane Arts