donruzzier
Humarap ka sa salamin. Sa makikita mo, ang kadalasang magiging kakampi mo, pero minsang kalaban sa buhay mo. Siya ang huling magiging katulong mo, siya rin ang magiging balakid at kahinaan mo. Minsan mo rin itong kinagagalitan ngunit masasabi mo ring "Salamat, maraming salamat siya sa akin..."
Ngunit paano kung ang nasa harap mo sa salamin, ay makakausap mo sa personal? Magiging magulo na rin ba ang kinagagalawan mo? O mananatili pa ring ganoon ang sitwasyon sa kung ano ka kahapon. Mailalagay mo ba ang sitwasyon na iyun sa sarili mo na matanaw ang repleksyon mo sa iba?