its_dreamiee
Dream Universe
"What if your dreams aren't just dreams... but memories of another world?"
Sa tuwing natutulog si Angel, paulit-ulit siyang napupunta sa isang mundong hindi niya pa nararating sa totoong buhay-isang lugar na may makakapal na gubat, matatayog na bundok, at mga kalsadang tila kabisado na niya kahit hindi pa niya ito nakikita noon.
Sa bawat panaginip, may mga taong naghihintay sa kanya. May limang lalaking tila matagal na niyang kakilala. At higit sa lahat... may isang misteryosong binata na si Jerome, na tila alam ang lahat ng lihim tungkol sa kanya.
Ngunit habang unti-unting bumabalik ang kanyang mga alaala, nagsisimula ring magbago ang kanyang realidad. Mga kakaibang pangyayari, mga nawawalang oras, at mga bulong na siya lang ang nakakarinig.
Panaginip lang ba ang lahat?
O may isang mundong tunay na umiiral sa tuwing siya ay natutulog?
At kung dumating ang araw na maalala niya ang lahat...
Handa ba siyang malaman ang katotohanang matagal nang nakatago?
Sa pagitan ng panaginip at realidad... saan nga ba talaga nabibilang si Angel?
Some dreams are meant to be forgotten... but hers is waiting to be remember!