AYALAUVSWRITE
Paano kung ang taong pinakaayaw mo sa buong mundo...
siya pala ang taong itinakda para sa'yo noon pa man?
Paano kung ang mga lalaking araw-araw mong kinaiinisan...
ay sila ring mga lalaking hindi mo pala kayang takasan?
At paano kung ang lahat ng iyon ay nagsimula lang sa isang walang kwentang pustahan?
Sa loob ng Andres Zeo East Academy, may pitong lalaking kilalang-kilala ng buong campus.
They call them The Seven Notorious Casanovas.
Mga lalaking sanay na hinahabol ng mga babae, hinahangaan ng marami, at halos walang babaeng tumatanggi sa kanila.
Hanggang sa isang araw, may nagbiro.
"Pustahan tayo."
Isang challenge na akala nila ay simpleng laro lang-
ang paibigin ang babaeng galit sa kanila.
Ang babaeng iyon ay si Ryurie Rimenez, ang tinaguriang Campus Queen ng Andres Zeo East Academy.
She has everything - the brains, the beauty, the talent, the wealth, and the attention everyone wishes they had.
Pero may isang problema.
Ayaw niya sa mga lalaki.
Simula pagkabata, may isang pangyayaring nagpabago sa paraan ng pagtingin niya sa pag-ibig. Simula noon, pinili niyang maniwala na ang love stories ay kathang-isip lamang-mga kwentong para lang sa mga taong madaling malinlang ng damdamin. Para sa kanya, ang love ay isang malaking joke.
Pero paano kung ang babaeng nagsumpang hindi kailanman iibig...
ay mapaligiran ng pitong lalaking hindi marunong umatras?
Ang mga lalaking pinakaayaw niyang makita sa buong buhay niya: Stevan Khel Rivas, Hansen Del Moro, Kio Cyden Carter, Toshiro Eiji Costello, Kurt Kaiden Futtero, Franco Dyn Hervias, and Jayneo Xynone Sergerio.
Isang pustahan na hindi dapat sineryoso.
Pero habang tumatagal, nagiging mas komplikado ang lahat.
Dahil may isang lihim na matagal nang nakatago-
na noon pa man... may pangakong ginawa para sa kanila.
At kapag nalaman nila ang totoo...
baka ang pinakamalaking pagkakamali ng mga Casanova na ito-
ay ang tumaya sa babaeng hindi kailanman gustong magmahal.