Elfarma Stories

Refine by tag:
elfarma
elfarma

1 Story

  • Sana Ngayon ang Kahapon by elfarma_marika
    elfarma_marika
    • WpView
      Reads 1
    • WpPart
      Parts 1
    Synopsis Sana Ngayon ang Kahapon ----- May mga desisyon sa buhay na ginagawa natin nang hindi alam na balang araw, iyon pala ang pinakamalaki nating pagsisisihan. Akala natin, pwede pa. May bukas pa. May oras pa para itama ang lahat. Pero paano kung wala na? Paano kung saka mo lang naisip ang tamang desisyon-nang huli na ang lahat? Walang formula sa pagpili ng tama lalo na kung puso ang bumabalanse. Walang nakakaalam kung alin ang desisyong hindi mo pagsisisihan. At kahit gaano kabuti ang puso mo, hindi ibig sabihin na hindi ka masasaktan. Ito ang kwento ni Crizanta Recuerda. Isang babaeng pinagmalupitan ng lahat-pati ng tadhana. Lumaban siya dahil may buhay siyang kailangang iligtas. Kaya isinakripisyo niya ang sarili. Ang puso niya. Pati ang kaluluwa niya. Ibinigay niya ang lahat. Pero may mga laban pala na kahit ibigay mo ang buong pagkatao mo, matatalo ka pa rin. At ang pinakamasakit? Ang malaman na ginawa mo ang lahat nang buong puso... pero iyon din pala ang sumira sa'yo. Kapag sobra na ang pagsisisi, mapapaisip ka na lang: Sana ngayon lang ang kahapon. Para alam mo na ang alam mo ngayon. Para hindi mo na ginawa ang mga maling desisyon. Para naitama mo pa ang lahat. Pero paano kung huli na? Paano kung ang kahapon na gusto mong balikan... ay wala nang paraan para bumalik? Start: August 31 2026 End: