mizz_nins
Sa ENG3A, may dalawang pangalang laging bukambibig ng lahat. Zayne at Yllana.
Si Zayne ay ang definition ng sana all. Siya ang pambato ng block sa talino, boses-anghel na singer, pang-TikTok ang dance moves, at sa sobrang banal, akala mo ay may sariling halo sa ulo dahil sa pagiging active sa simbahan. He's the golden boy na mahal ng lahat-except Yllana.
Si Yllana naman ay ang quiet but deadly ng grupo. Low-key lang ang talino pero kayang pumatay gamit ang isang matalas na essay. She's low-key rich spoiled by her parents with the best fashion and skincare, pero ang bibig niya? Daig pa ang broken dictionary sa talas. She hates Zayne. Inis siya sa pagiging perfect nito, sa pagiging friendly nito, at kahit sa paghinga nito, naiirita siya.
Kasama ang kanilang circle of friends-dalawang straight guys na laging confused at isang dyosa na kaibigan-they are the circle of five. Ngunit sa gitna ng pag-aaway nila sa classroom management at literary criticism, may isang plot twist na hindi kasama sa syllabus. Zayne is gay, and while he looks like your typical campus heartthrob, he's been hiding a draft in his heart. He has loved Yllana since their first major subject. At si Yllana? Sa gitna ng pagmumura at pagtataray, hindi niya namamalayan na ang learning objective niya ngayong semester ay hindi lang pumasa, kundi ang aminin na nahulog na siya sa taong pinaka-kinaiinisan niya.