JO_Arandia
Meet Maria Clara, ang modernang Maria Clara sa panahon ngayon kung saan sakit sa ulo siya ng kanyang Daddy. Nag-iisang anak kaya naman lumaki siyang nasusunod ang lahat ng gusto.
Hanggang sa isang araw ng masagad niya ang kanyang Daddy. Ipinatapon siya nito sa probinsya nila sa Bukidnon upang bigyan siya ng leksyon; dapat niyang mapalago ang maliit nilang negosyo na Flower Farm. Sisiw para sa kanya dahil naturuan na siya sa ganoong larangan.
Pero sa pagpunta niya sa nasabing probinsya, hindi lang pala ang pagpapalago ng Flower farm ang magiging misyon niya dahil sa isang iglap ay mapapadpad siya sa ibang mundo na ni-minsan sa panaginip ay hindi niya naisip na mararating niya.
----------
All Rights Reserved
Copyright ©2021
by J. O. Arandia
written: ©2018
First Publish: June 11, 2021
End:
Book Cover: @seleskies ❤️