AriyaToyang
Maniwala kang minsan na akong nagmahal ng isang kolehiyala. Siyempre nagsimula sa pagiging magkaibigan, napuno nga ako ng pag-asa pero madamot talaga ang tadhana, hanggang doon lang pala ang kaya niya. Anong magagawa ko kundi ang maghintay. Paano ko magagawang umamin sa harapan niya kung mas astig pa siya sa akin? Hindi naman sa takot akong makatanggap ng suntok at sipa mula sa kaniya, kaya ko 'yong indahin. Duwag lang talaga akong makatanggap ng sagot na 'hindi' at tanggihan niya. Hulog na hulog na ako. Masakit mang isipin pero kailangan pa ring tanggapin. Basta ako mahal ko siya, kahit ba pare lang ang turing niya sa akin at hindi bilang isang lalaking mag-alalay ng pagmamahal sa kaniya.
O diyos ko! Ano ba naman ito?