bsybejen
Title: I Transferred to Forget You... You Transferred Too?
Author: bsybejen
*Sa Architecture, kapag mali ang pundasyon, kailangang gibain. Pero paano kung ang pundasyon mo ay ang taong pilit mong kinakalimutan?"
Si Elara Vivienne Castro ay pagod na. Pagod na sa puyat, pagod na sa plates, pero higit sa lahat pagod na sa ex niyang si Jace Kendrick Santillan. Para sa kanya, ang Taft Avenue ay puno ng mga multo ng kanilang nakaraan. Kaya para makahinga, gumawa siya ng radikal na plano: mag-transfer mula DLSU patungong UST.
Bagong school. Bagong uniform. Bagong simula.
Pero sa unang araw niya sa Beato Angelico building, isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan niya: "Miss, upuan ko 'yan."
Sa libu-libong estudyante sa España, bakit doon pa napadpad ang kaisa-isang tao na tinatakasan niya? At ang mas malala, kailangan nilang maging permanenteng partners sa lahat ng design projects para sa buong semester.
Mula sa asaran sa Dapitan hanggang sa puyatan sa Paskuhan, mapapatunayan kaya ni Elara na ang "red flags" ay pwedeng maging "green flags" sa tamang panahon? O sadyang sadyang minalas lang siya ng tadhana sa pag-draft ng plano ng kanyang buhay?
Isang kwento ng pagtakas, pag-render ng nararamdaman, at pag-build ng pag-ibig sa gitna ng España at Taft.