dead_paradoxcs
"M-Mahal kita...."
"Mahal din kita Jane, at walang makakapagsabi kung gaano kalalim yun."
Napaluha nalang ako nang marinig ang sagot niya. Nakangiti siya ngunit may luha sa mga mata.
Bakit ba ang lupit ng tadhana sa 'min?!
"P-Pero mali 'to Jane. M-Mayaman ka habang ako....mahirap lang." mas lalong lumakas ang iyak ko at niyakap siya
Bakit ba kailangang ganito? Ano bang ginawa namin para maging ganito kalupit ang tadhana?!
"Wala akong paki sa yaman namin at kung gaano ka pa kahirap John. Ang gusto ko lang naman ay makasama ka hanggang huli, a-ayokong matali sa ibang taong hindi ko naman m-mahal..." humigpit ang yakap niya sa 'kin
"P-Pero Jane, mas makabubuti para sa 'yo kung hindi ka na sumama sa 'kin."
"No! Yan ang hinding-hindi ko gagawin! Mahal kita at ikaw ang gusto kong makasama!" walang pakundangan kong pinanusan ang luha ko sa pisngi at kumuha ng hangin
"'till death do us part diba?!" I showed him my pinky while wiping my tears
Please! H'wag mo kong sukuan...
Unti-unti niyang itinaas ang pinky niya at pinag-cross yun sa akin making me smile
"'Till death do us part." at niyakap niya ako nang napakahigpit at hinalikan sa noo
"I love you Jane Gabrielle Arnaiz."
"I love you more John Mark Capin."
-
Date Started: March 30, 2021