miujaneee
Title: Mic Drop, Heart Stop
Description:
Siya ang fangirl na tahimik lang sa isang tabi.
Hindi sikat, hindi rin namumukod-tangi sa dami ng fans.
Basta nandun siya-sumusuporta, sumisigaw, kumakanta ng bawat linya ng kanta niya.
Siya naman ang idol na lahat hinahangaan.
Actor, songwriter, at yung taong nagpapatibok ng puso ng milyon-milyong tao.
Pero sa kabila ng spotlight, may isang boses na hindi niya makalimutan.
Ilang taon na siyang pinapakinggan lang mula sa malayo.
Hindi nangangarap na mapansin.
Hindi umaasa na balang araw, siya ang tatawagin.
Pero paano kung isang gabi, sa isang simpleng open mic,
kumanta siya ng kantang ginawa mismo ng idol niya?
At sa pagkakataong 'yon, sa wakas...
napansin siya.
Hindi lang ang boses.
Hindi lang ang talento.
Kundi siya-buo.
Ngayon, ang tanong:
Ano ang gagawin mo kapag yung taong matagal mo nang hinahangaan mula sa malayo,
siya na mismo ang lumalapit sa'yo?
---