strewbereye
Sa mundong ibabaw, binabalanse ito ng apat na elemento; ang APOY, KALIKASAN, TUBIG, at HANGIN.
Apat na elemento ang tumitimbang sa ating mundo, ngunit paano kung nawala ang isa sa kanila? Makakatayo pa ba ang mundo kung ang kaniyang elemento ay hindi kumpleto?
Apat na kaharian,
magkaka-ibang kapangyarihan,
apoy, tubig, hangin, at kalikasan,
binabalanse ng mga ito ang iyong kinatatayuan.
Apoy.
Hindi pinaka-malakas ngunit hindi din pinaka-mahina, ang apat na elemento ay pantay-pantay ang kapangyarihan.
Apoy ang pinaka-matinik, isang daplis mo lamang ika'y mapapaso.
Huwag mong subuking kalabanin, sa talim pa lamang ng kaniyang tingin ikaw ay magiging abo.
Sa pagliyab ng baga, lalaganap ang apoy at wala nang makakapigil pa sa kaniya.
Apoy ang unang elemento dahil maituturing itong panangga ng grupo, panangga na kayang iwaksi ang lahat ng kalaban.
Date published: August 17, 2022
Date started: May 1, 2023
Date ended: