Mocchiipuwp08
Si Mhyhaile Candraixe Castillo De Paz, twenty years old, ay lumaki sa gitna ng gulo at komplikadong pamilya. Noon, isang seventeen-year-old chubby at sobrang insecure na bata-puno ng pimples, galit sa mundo, at palaging tigas ng ulo sa kanyang ina. Pero sa school, iba ang kanyang mukha-maganda, maayos, at palakaibigan. Average sa lahat-grades, ganda, personalidad-at may mga phobias sa mga insekto, hayop, dilim, at kahit sa kalikasan.
Ngunit nung siya'y eighteen, nagdesisyon si Mhyhaile na baguhin ang lahat. Ang katawan, ang ugali, ang pag-iisip-lahat. Naging independent, fearless, at confident. Parang bagong tao na handang harapin ang mundo... hanggang sa dumating ang isang trahedya.
Sa birthday ng kanyang ama, isang ordinaryong selebrasyon ang nauwi sa kaguluhan. Tatlong armadong van, mga bodyguard, at ang ama niyang hawak ng dalawang lalaki-lahat ng iyon ay nagbago sa kanyang mundo. Ang mga lihim ng pamilya, ang utang, at ang mga panganib na hindi niya inasahan... lahat ay dumating sabay-sabay.
Sa gitna ng takot, pagkabigla, at kawalan ng katiyakan, matututo si Mhyhaile kung ano talaga ang kahulugan ng lakas-hindi sa ganda o katalino, kundi sa puso, tapang, at sa mga taong mahal mo.
💔 Will she survive the chaos her family brought upon her? Will her newfound confidence be enough to face the shadows of her past?