BlushWraith
Kairos Blaze Valen x Lucien Ren Marquez
Sa mundo ng esports, isang pangalan ang nangingibaba.
Kairos Blaze Valen, kilala bilang Infernokai: ang pinakamatapang, pinakamabilis, at pinakasikat na Assassin player sa bansa.
Face of Chaos. MVP ng bawat laban.
Fire in human form.
Pero kahit gaano siya kagaling, hindi pa rin kumpleto ang Team Chaos.
Isang sunod-sunod na pagkatalo ang tumama sa kanila nang mag-retire ang kanilang main support.
Walang nakakasabay sa playstyle ni Kairos.
Walang nakakabalanse sa pagiging agresibo ng Chaos.
At kailangan nila ng bago-
hindi lang basta mahusay, kundi consistent, kalmado, at may utak na pang-pro.
Doon papasok ang hindi inaasahang pangalan.
Lucien Ren Marquez, kilala online bilang Renova.
Isang tahimik na streamer, halos hindi nagfa-facecam, pero kinikilala sa malinis at eleganteng support plays.
Nanunuod lamang siya ng Chaos noon-lalo na ng paborito niyang player, si Kairos.
Fan lang siya.
Hindi sila magkakilala.
Hindi sila magkaibigan.
Hindi sila nag-usap kahit minsan.
Pero isang gabi, matapos mapanood ang viral breakdown video ng Chaos, nagbago ang lahat.
Tumawag ang manager.
Nag-alok ng trial slot.
Para kay Ren.
At para sa unang pagkakataon, papasok siya sa mundong dati ay pinapanood lang niya mula sa screen...
kung saan nandoon ang iniidolo niyang player-
ang taong akala niya ay hindi niya kailanman makikilala.
Fire meets Moonlight.
Chaos meets Calm.
Two worlds about to collide.
At dito magsisimula ang kwento kung paano mababago ng isang soft-spoken support at isang sikat na MVP player ang buhay ng isa't isa...
sa gitna ng fame, pressure, spotlight-
at isang love story na hindi nila inexpect.
First time ko po mag publish ng story! I hope you like it ! If Hindi niyo gusto wag niyo nalang po ito basahin!!