ZEM_Manunulat
Sa mundo ng high school, hindi lahat ng kwento ng pag-ibig ay nagsisimula sa tamis-ang iba, puno muna ng inis.
Si Kylie Ramirez, isang masipag at seryosong estudyante, ay walang oras para sa mga walang kwentang bagay-lalo na sa isang pasaway at babaero gaya ni Ethan Villamor, ang campus heartthrob na hindi niya matanggap kung gaano ito kinalolokohan ng buong eskwelahan.
Pero nang isang hindi inaasahang insidente ang naglagay sa kanila sa gitna ng isang tsismis, biglang nagulo ang tahimik na mundo ni Kylie. Isang pustahan, isang basketball game, at isang tawag mula sa nakaraan ang magpapabago sa lahat.
Habang sinusubukan niyang iwasan ang lalaki, lalo naman itong dumidikit sa kanya-at sa bawat asaran at pagtatalo, hindi niya namamalayan na may isang bagay siyang hindi kayang kontrahin... ang tibok ng puso niya.
Enemies to lovers? O isang hindi inaasahang serendipity na maghahatid sa kanila sa tunay na kahulugan ng pagmamahal?