HeizeTheAuthor
IT'S YOU (COMPLETED)
romantic | comedy
Ipakikilala ng istoryang ito ang babaeng si Han Eun Kyung (pronounciation: Han Yun Kyung) kasama si Kim Seungmin (pronounciation: Kim Sungmin). Si Eunkyung ay isang astigin at firstmove na babaeng magkakagusto kay Seungmin. Gagawin niya ang lahat para mapatunayang gusto niya si Seungmin. Habang si Seungmin naman ay walang kahit anong nararamdaman kay Eunkyung. Ngunit habang tumatagal, hindi niya inaasahang unti-unti rin siyang mai-inlove nang patago sa babaeng iyon. Hanggang sa dumating na sa puntong mare-realize ni Eunkyung na mapapagod na siya sa isang taong wala naman itong pake sa kaniya. Kaya mapagdedesisyonan niyang itigil na ang nararamdaman nito para kay Seungmin. Aalis siya at iiwan si Seungmin, ngunit dito rin naman masasaktan si Seungmin dahil iiwan siya nito. Pagsisisihan niya ang mga naging kasalanan niya sa babaeng nagmamahal sa kaniya. Ang istoryang ito ay may dalang aral kung paano mo mamahalin ang taong nagmamahal din sa'yo.