sameresolace
How ironic it is that a single song, has done a lot to old memories and nostalgia of someone.
It's like walking again in a familiar path that you never wish to cross twice.
Whilst, understanding its lyrics is reuniting with them again, unconsciously.
Isa ka lang namang estranghero dati... kahit ilang ulit na sigurong nag krus ang landas natin.
Pero ngayon, para ko nang sinira lahat ng pader na binuo ko mula ng araw na yun,
Para lang magkaroon ka ng pribelihiyong maglakbay sa isipan,
nang walang katapusan.
Tuluyan na nga ba akong nahulog sa bitag na matagal na panahon ko nang iniiwasan?
o baka naman . . . may pag asa pang magbago ang wakas na matagal mo nang itinanim sa aking isipan?
Tama nga yung nasa liriko ng kanta, saktong sakto sa kung ano tayo dati at ngayo'y hindi na.
Ayaw ko na sanang alalahanin pa ang ilang taon ko nang ibinaon sa sagada.
Nakalimot na sana.
Pero nakakatwang sa muli kong pakikinig sa inalikabok nang musika, ay siya ring pagbalik mo para muli'y mag-umpisa.
Tatahakin ko pa ba?
o tatalikuran nalang at hayaang matapos ang berso na tumatak na mula ng una nating pagkikita?